Tulong ng XM at MyCARE sa Binaha sa Malaysia

Ipinaskil Marso 22, 2022 ng 9:19 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nakipagtulungan kamakailan ang XM sa MyCARE dahil sa kanilang proyekto na tulungan ang mga nasalanta ng pagbaha sa Malaysia, kung saan naapektuhan ang malaking parte ng bansa noong Disyembre 2021.

Ang MyCARE ay isang non-profit na organisasyon na kinikilala ng Economic and Social Council ng United Nations. Walang tigil ang kanilang pagsisikap na matulungan ang mga pamilyang lubhang naapektuhan nitong kalamidad.

Nagresulta ang pagbaha sa pagkamatay ng mga tao, pagkasira ng ari-arian, pagkawasak ng mga pananim, pagkawala ng mga hayop, at paglala ng kalusugan dahil sa mga sakit na nakukuha sa tubig.

Ipinamahagi nitong Enero ang mga nalikom naming pondo sa tatlong yugto. Ang unang bahagi ay ang paglilinis ng bayan ng Karak, sa Pahang. Sinundan ito ng dalawang magkaibang pagkakataon kung saan nagpamahagi ng kinakailangang pagkain at kagamitan sa mga pamilya sa Tampin at Gemencheh sa Negeri Sembilan, at sa bayan ng Shah Alam, sa Selangor. Matindi ring tinamaan ang lugar na ito noong tag-ulan pagkatapos ng sakunang ito.

Ito na ang pinakamalaking proyekto ng XM sa Malaysia, at kabilang ito sa ultimong layunin namin na tulungan ang mga nangangailangang tao sa buong mundo.

Mababasa pa ang tungkol sa MyCARE at makakapagbigay ng donasyon sa pamamagitan ng pag-click ng link dito.

v