Itinanghal ng FOLLOWME ang XM na Pinakasikat na Broker 2021

Ipinaskil Marso 17, 2022 ng 9:31 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ipinagmamalaking ibalita ng XM ang pagkakapili sa amin ng FOLLOWME Trading Community bilang Pinakasikat na Broker noong 2021. Iginawad din sa amin ang parangal na ito sa unang anim na buwan ng 2021, na sumasalamin sa aming pangako na magbigay sa mga kliyente at partner ng pinakamahusay na karanasan sa pagti-trade.

Ang FOLLOWME Trading Community ay isang social trading platform na naka-base sa Hong Kong at kumakatawan sa mga trader na mula sa higit 170 bansa. Isang metikulosong proseso ang pagpili sa mga mananalo ng parangal, kung saan isinasaalang-alang ang iba’t-ibang aspeto tulad ng bilang ng mga miyembro na nagti-trade sa broker, serbisyo sa pagti-trade, at karanasan sa pagti-trade. Higit sa 800 broker ang lumaban para sa mga prestihiyosong parangal na pinangasiwaan ng mga eksperto.

Gusto naming pasalamatan ang FOLLOWME Trading Community dahil sa parangal na ito at sa lahat ng ekspertong pumili sa amin. Patuloy kaming magbibigay sa lahat ng aming kliyente ng de-kalidad na karanasan sa pagti-trade.