Suporta ng XM at UNHCR sa mga Nanganganib na Batang Refugee

Ipinaskil Marso 15, 2022 ng 10:05 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nakipagtulungan ang XM sa UN Refugee Agency na UNHCR bilang pagsuporta sa kanilang proyekto na sumusuporta at pumoprotekta sa mga batang refugee na pumapasok sa Greece nang walang kasama.

Tinatayang mayroong higit sa 5,000 batang refugee sa Greece ang walang kasama, at tanging 2,225 lamang sa kanila ang nasa naaangkop at ligtas na tirahan at nakatatanggap ng tamang pag-aruga.

Itinatag ng UNHCR ang proyekto sa pagtugon sa mga nanganganib na batang walang kasama. Sentro ng proyekto ang pagkakaroon ng 24/7 na hotline na nasa anim na wika para matukoy at masundan ang mga batang nangangailangan. Nagbibigay din ito ng ligtas na tirahan para sa mga humihingi ng tulong o sa mga natukoy bilang nasa peligro.

Nagpaabot ng suporta ang XM dito sa importanteng serbisyo bilang bahagi ng malawak na inisyatiba sa pagtulong sa lipunan, na may mas malaking layunin na makatulong upang gawing mas magandang lugar ang ating mundo.

Para magbasa pa tungkol sa mga ginagawa ng UNHCR sa Greece at magbigay ng donasyon, pumunta sa kanilang website dito.