Ngayong 2020: Mga Bagong XM Forex Trading Seminar sa Thailand

Ipinaskil Disyembre 19, 2019 ng 11:18 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Matapos ang daan-daang lungsod na nabisita namin sa Timog-Silangang Asya pa lang, walang lugar ang hindi pupuntahan ng XM para mapalapit sa mga nag-i-invest online ang pagtuturo ng forex.

Ngayong 2020 ay isa na namang taon na dedikado sa aming walang tigil na pagsisikap para makapagbigay sa mga baguhan at batikang nagti-trade ng kinakailangang kaalaman para hindi lang mapabuti, ngunit pati patuloy na mapahusay ang kanilang kaalaman sa pag-i-invest.

Sa daan-daang technical indicators, alin dito ang gagamitin at paano? May paraan ba para masigurado kung anu-anong mga technical indicator ang magagamit nang sabay para matukoy nang mas tama ang mga oportunidad kapag nagti-trade? Ito ang ilan sa mga palaging tinatanong ng mga nagti-trade kapag nahaharap sila sa napakaraming bilang ng technical analysis tools.

Ang serye ng mga seminar ng XM sa Thailand na magsisimula ngayong Pebrero 2020 ang sasagot sa mga katanungang ito, at higit pa: ituturo nito sa mga pupunta sa seminar ang mga pinakabagong impormasyon tungkol sa paggamit ng technical analysis para sa mapagkakakitaang pag-trade at mas mababang risk.

Ang unang mga lungsod na bibisitahin namin sa aming mga libreng seminar ay walang iba kundi ang Bangkok, Korat, Surat Thani, Phitsanulok, Khon Kaen, Chiang Mai, na susundan ng marami pang iba.

Para magbasa pa tungkol sa paksa ng aming seminar at para makapag-reserba na agad ng libreng puwesto, mangyaring mag-click dito.