Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Pagkatapos lumahok sa mahigit 40 internasyonal na expo sa pananalapi sa loob lamang ng ilang taon, nakamit na agad ng XM ngayong taon ang maraming magkakaibang tagumpay sa kasaysayan ng kumpanya.
Matapos dumalo sa apat na magkakaibang expo na may kinalaman sa pag-trade mula nitong Marso, nagpatuloy pa ang mga kinatawan ng XM sa kabisera ng Espanya, ang Madrid, para lumahok sa The Forex Day noong Hunyo 8.
Isinagawa sa LASEDE, Colegio de Arquitectos de Madrid, ang pagtitipon ay humikayat sa magkakaibang kumpanya na nasa pinansyal na industriya sa Espanya at sa iba pang mga bansa. Sumalubong din ito sa napakaraming nagti-trade na interesadong makilala sa personal ang mga tagapagbigay ng pinansyal na serbisyo upang maging maalam sa mga pagbabago sa mundo ng pag-i-invest online.
Isang nakatutuwang karanasan para sa XM ang makipag-ugnayang muli sa mga kasalukuyan nitong kliyente. Pumunta kami dito para makisalamuha at salubungin ang mga potensyal na kliyente sa opisyal na booth ng kumpanya. Upang makapagbigay sa mga nagti-trade ng mas praktikal pang impormasyon, maliban sa pagpapaliwanag ng mga serbisyong inaalok namin sa mga kliyente, nagsagawa din kami ng apat na maliliit na seminar na tinalakay ng technical analyst na si Rubén López García sa booth ng XM sa pagitan ng 10:30 – 17:45. Libre lamang ang mga presentasyon at ang mga paksang tinalakay ay binuo ng magkakaibang tema sa forex na tumuon sa paggamit ng mga mahusay na pamamaraan at estratehiya sa pag-trade ng forex.
Gusto naming pasalamatan lahat ng mga bumisita sa aming booth, pati na ang mga kliyente na pumunta sa The Forex Day para kilalanin kaming muli. Inaasahan naming makabalik sa Espanya sa lalong madaling panahon.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.