Nakatanggap ang XM ng Dalawang Bagong Parangal sa Forex mula sa CFI.co

Ipinaskil Mayo 15, 2019 ng 8:20 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Natutuwa kaming ibalita na kamakailan lamang nanalo ang XM ng dalawang prestihiyosong parangal sa forex mula sa CFI.co (Capital Finance International) na naka-base sa UK: Pinakamahusay na Customer Service sa Mundo 2019 at Pinakamahusay sa Market Research at Edukasyon sa Mundo 2019.

Sa ikatlong sunud-sunod na taon mula 2017, ginawaran ng CFI.co ang XM bilang kumpanya na nananatiling tapat sa mga pinapahalagahan nito – isang pagkilala na lubos naming ipinagmamalaki. Kaya naman, ang dalawang bagong parangal sa forex ay sagisag ng mga tagumpay na nakamit ng XM para sa pagpapanatili ng tunay na kahulugan nito, pag-uumpisa ng mga makabagong ideya, at pagkakaroon ng pangmatagalang saysay. Maging sa dedikadong customer service man o sa larangan ng natatanging pananaliksik at edukasyon sa forex, ito ang mga nagsulong sa paglago at internasyonal na pagkilala sa XM – at higit sa lahat, ang pagtangkilik ng aming pinapahalagahang mga tao: ang mga kliyente.

Tungkol sa CFI.co

Ang CFI.co (Capital Finance International) na naka-base sa London ay isang pahayagang nakalathala at makikita online, na nagbabalita sa pandaigdigang negosyo, ekonomiya at pananalapi. Ang taunang CFI.co Awards Programme ay kumikilala sa mga organisasyon at indibidwal na patuloy na nakakapagbigay ng napakagaling na serbisyo sa kani-kanilang mga industriya at nangunguna dahil sa kanilang napakahusay na kasanayan at nangingibabaw na kagalingan.