Magkakaroon na ang XM ng mga Forex Seminar sa Vietnam

Ipinaskil Mayo 7, 2019 ng 12:04 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong Hunyo, sa kauna-unahang pagkakataon, magsasagawa ang XM ng dalawang pang-edukasyonal na seminar sa Vietnam, kung saan nasasabik na kaming makilala ang mga kasalukuyan at bagong kliyente na gustong mapabuti ang kanilang kasanayan sa pag-i-invest online, sa tulong ng mga libreng seminar ng XM tungkol sa forex.

Maliban sa mga bago naming forex webinar sa wikang Vietnamese at pagsisikap na maabot sa personal ang mga nagti-trade sa Vietnam, ang mga nalalapit na seminar sa Ho Chi Minh City sa Hunyo 22 at sa Hanoi sa Hunyo 29 ay isa na namang magandang oportunidad para makinabang ang mga nagti-trade mula sa mga pang-edukasyonal na handog ng XM.

Sa bawat lungsod, ang seminar na pinamagatang Pagpapakilala sa Japanese Candlesticks at ang Avramis River ay pinagsamang presentasyon ng tagapagturo ng forex sa XM na si Nguyen Ton Thai Hoang at ang Nagtatag ng Tradepedia at CEO na si Avramis Despotis. Dahil ang seminar ay dedikado sa pagtuturo ng mahalagang kaalaman tungkol sa mga mahuhusay na technical analysis tools kapag nag-i-invest online, ang mga pupunta dito ay magkakaroon ng mas malinaw na pagkakaintindi sa kung paano ito magagamit sa pag-trade ng forex.

Bukod sa pagiging pamilyar sa paggamit ng Japanese candlesticks, partikular na ang reversal candles, malalaman din ng mga kliyente namin ang bentahe ng isa sa automated na trading tool ng Tradepedia, ang Avramis River Indicator, na inimbento para matukoy ang lebel ng support-resistance at mga signal sa trend na may mataas na kalidad.

Para magbasa pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa seminar at makapag-rehistro nang libre sa lokasyon at petsa na iyong napili, mangyaring mag-click dito.