Dumalo ang XM sa Invest Cuffs 2019 na Expo sa Pananalapi at Pag-invest sa Krakow

Ipinaskil Abril 11, 2019 ng 9:25 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Marso 22-23, dumalo ang XM sa prestihiyosong Invest Cuffs 2019, na isang expo sa pananalapi at pag-invest sa Krakow, Poland, bilang isa sa mga pangunahing exhibitor.

Ito na ang panlimang pagkakataon na pumunta ang XM sa internasyonal na expo sa Poland na may kinalaman sa pananalapi; at tulad ng mga nakaraang taon, nagkaroon kami ng malaking oportunidad na ipakita sa mga bisita ang aming mga serbisyo at makipag-ugnayan nang personal sa mga potensyal na kliyente.

Bilang pinakamalaking expo sa Gitna at Silangang Europa, ang Invest Cuffs ngayong taon ay napakahalaga sa mga malalaking pinansyal na kumpanya, pati na sa mga indibidwal na investor na mula sa rehiyon at iba pang panig ng mundo. Isinagawa sa ICE Krakow Congress Centre, ang Invest Cuffs ay nagtampok ng daan-daang kumpanya, at mahigit sa 2,000 bisita ang pumunta sa dalawang araw na kaganapan para makipagkilala, makipag-ugnayan, at mapag-usapan ang mga nangungunang isyu sa pananalapi at pag-i-invest online.

Lumahok ang XM bilang isa sa mga malalaking tagapagbigay ng pinansyal na serbisyo sa Europa, kung saan nagkaroon na ito ng reputasyon sa pagiging determinado na maglingkod sa mga kliyente. Kaya naman isa na namang karangalan ang makilala sa personal ang mga bisita at maipakita sa kanila ang aming serbisyo at paniniwala sa pagtuon sa mga kliyente.

Sa kabila ng XM, gusto naming pasalamatan lahat ng mga pumunta dito sa prestihiyosong expo.