Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Inihanda bilang pagkilala sa unang anibersaryo ng matagumpay na negosyo ng aming kumpanya sa Latin America, nagsagawa ang XM ng engrandeng pagdiriwang sa Mexico City noong Marso 2, kung saan napakaraming mga bisita ang nakisaya kasama namin.
Ang engrandeng handaan ay isang paggunita sa tagumpay ng aming kumpanya. Isang malaking karangalan ang magdiwang kasama ng aming mga kliyente at partner sa Mexico na pumunta sa napakagandang Museo Hacienda de Santa Mónica.
Ang handaan, na simbolo ng aming pasasalamat sa katapatan sa XM ng mga kliyente at partner sa Latin America, ay puno ng diwa ng pagkakaibigan at lubos na nagpakita ng malakas na pakikipag-ugnayan namin sa kanila. Ang marangyang hapunan at iba’t-ibang libangan ang sumalubong sa mga bisita. Habang nagpatuloy pa ang gabi, nagsagawa ng eksklusibong XM Lucky Draw para makadagdag ng kasabikan sa lahat ng mga nag-aabang sa resulta ng raffle. May 15 pinag-agawang premyo ang ipinamigay sa mga bisita, na nagkakahalaga ng mahigit sa $47,000. Kabilang dito ang mamahaling Mercedes-Benz A-Class bilang unang premyo, bukod pa sa ibang inaasam na mga premyong ipinamigay.
Gusto naming muling batiin ang mga maswerteng nanalo na nakakuha ng mga premyong makikita sa ibaba.
Mga Nanalo sa Lucky Draw
Mga Premyo | MT4/MT5 Account ID |
---|---|
Premyo 1: Mercedes-Benz A-Class na kotse | 42058692 |
Premyo 2: BMW G310R na motorsiklo | 33154496 |
Premyo 3: $3000 na balanse sa XM trading account | 31123074 |
Premyo 4: Set-up sa pag-trade (4 na screen + PC) | 18109197 |
Premyo 5: Set-up sa pag-trade (2 screen + PC) | 43008523 |
Premyo 6: Laptop | 4417451 |
Premyo 7: Bakasyon sa Cancun para sa 2 katao na may 2-gabing tirahan sa 5-star hotel | 13693128 |
Premyo 8: Samsung Galaxy Note 9 | 2753212 |
Premyo 9: Apple iPhone XS Max 64 GB | 39063114 |
Premyo 10: iPad Pro 10.5” 64 GB (Wi-fi) | 2766870 |
Premyo 11: Wall Street bull na pininta ng isang artist sa Mexico | 4403135 |
Premyo 12: Apple Watch Series 4 | 38100707 |
Premyo 13: $500 na balanse sa XM trading account | 4554516 |
Premyo 14: $300 na balanse sa XM trading account | 24114322 |
Premyo 15: $200 na balanse sa XM trading account | 11289279 |
Bilang tagapag-organisa, lubos naming pinasasalamatan ang bawat kliyente na pumunta sa handaan ng XM sa Mexico City at nakipagdiwang ng pambihirang gabi kasama namin. Sa ibaba makikita ang mga litrato sa ‘di malilimutang kaganapan, na tiyak naming maaalala sa mga darating na taon.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.