Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Natutuwa kaming ipaalam na sa Marso 29, 2019, lalahok ang XM sa Investing Napoli, ang pinakamalaking pinansyal na expo sa Naples, Italy, na isa din sa mga pinaka-prestihiyosong pinansyal na kaganapan sa Europa.
Sa loob ng maraming magkakasunod na taon, nakapunta na ang XM sa magkakaibang expo sa buong mundo, kabilang na ang Europa, para personal na makilala ang mga potensyal na kliyente at ipakita ang mga serbisyo ng kumpanya sa mga indibidwal na nagti-trade online.
Ang Investing Napoli, na gaganapin sa Centro Congressi Napoli, ay sasalubong sa mga kumpanya na nasa industriya ng pinansyal na serbisyo, pati na sa mga indibidwal na interesadong malaman ang mga pagbabago sa pinansyal na merkado. Dito, maari silang makipagpalitan ng ideya tungkol sa mga oportunidad sa pag-invest katuwang ng mga propesyonal sa industriya.
Nasasabik na namang bumalik ang mga kinatawan ng aming kumpanya sa nalalapit na expo sa Italy para salubungin ang mga bisita sa opisyal na XM booth blg. 12. Ipapakilala namin sa kanila ang mga hanay ng produkto na inaalok namin sa mga kliyente.
Magbasa pa ng detalye tungkol dito at kilalanin sa personal ang XM sa Investing Napoli ngayong Marso 29.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.