Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Noong October 13 at 27, ang mga seminar ng XM ay nakarating sa dalawang panghuling destinasyon nito, ang siyudad ng Kuching at Kuantan. Sa bawat siyudad natutuwa kaming makilala ang napakaraming online traders na pumunta sa seminar na pinamunuan ni Zulle Razak.
Ang seminar na pinamagatang Mga Istratehiya sa Online Trading ay tumuon muna sa kung paano mapapabuti ng mga online investors ang kanilang indibidwal na istratehiya sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba’t-ibang kilalang mga pamamaraan.
Sa parehong Kuching and Kuantan, ang mga dumalo sa aming seminar ay nagkaroon na naman ng oportunidad na makilala sa personal ang kilalang propesyonal na guro na si Zulle Razak, na may layuning ituro ang mga mahahalagang aspeto sa online investing.
Matapos magbigay ng pangkalahatang-ideya tungkol sa global markets, ang mga bisita ay nakatanggap ng detalyadong pagpapaliwanag tungkol sa paggamit ng technical analysis at fundamental analysis, kasabay ng kahalagahan ng paglalapat ng risk management sa lahat ng oras. Sinundad ito ng mga pamamaraan para makagawa ng indibidwal na eksena sa pag-trade depende sa kanya-kanyang pakay sa pag-invest, mga itini-trade na financial instruments, at piniling estilo sa pag-trade.
Nais naming pasalamatan lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente na pumunta sa aming seminar sa Kuching at Kuantan, at nasasabik na kaming makabalik sa Malaysia para sa iba pang pang-edukasyonal na seminar na idinisenyo para matulungan ang traders na pabutihin ang kanilang kaalaman sa pag-invest.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.