Seminar Tungkol sa Candlestick Chart Trading Isinagawa sa Cairo

Ipinaskil Oktubre 25, 2018 ng 9:54 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Natutuwa kaming ipaalam ang pinakabagong forex trading seminar na isinagawa ng XM sa Cairo, Egypt, noong October 20, na pinamunuan ng tagapagsalita na si Habib Akiki tungkol sa paksa ng candlestick chart trading.

Ang seminar na pinamagatang Ang Avramis River at Reversal Patterns ay naghikayat ng napakadaming online investors sa Ramses Hilton Hotel, kung saan si Habib Akiki, ang Senior Market Strategist ng Tradepedia LLC at Punong Tagapagturo sa rehiyon ng MENA, ay nagbigay ng interesanteng presentasyon tungkol sa paggamit ng candlestick charts kapag nagti-trade ng forex o iba pang financial instruments.

Tampok sa seminar ang maraming mahahalagang detalye tungkol sa Japanese candlesticks, na siyang itinuturing na makapangyarihang technical analysis tool para ipakita ang galaw ng market at matulungan ang traders na magdesisyon kung kalian papasok o lalabas sa mga trade.

Isa sa mga tinalakay sa seminar ang Avramis River Indicator, isang technical indicator na inimbento ng Tradepedia para matulungan ang traders na madaling matukoy ang range patterns at instruments na malakas mag-trend.

Ang seminar ay nagtapos sa isang XM Lucky Draw, kung saan binabati namin muli ang mga nanalo sa kanilang mga premyo na makikita sa ibaba.

Mga Nanalo sa Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: $100 non-withdrawable trading bonus 14067670
Premyo 2: $100 non-withdrawable trading bonus 16026661
Premyo 3: $100 non-withdrawable trading bonus 3224164
Premyo 4: $100 non-withdrawable trading bonus 3203699
Premyo 5: $100 non-withdrawable trading bonus 32061553
Premyo 6: 100% trading bonus na hanggang $300 34108061
Premyo 7: 100% trading bonus na hanggang $300 4119379
Premyo 8: 100% trading bonus na hanggang $300 38061151
Premyo 9: 100% trading bonus na hanggang $300 38106837
Premyo 10: 100% trading bonus na hanggang $300 34098927

Nais naming pasalamatan ang aming mga kasalukuyan at bagong kliyente sa pagpunta sa seminar, at inaasahan namin na ang kaalaman na naipamahagi ni Habib Akiki ay makakatulong sa pagpapabuti ng kanilang pag-trade sa pangmatagalan.