Libreng Edukasyon ng XM Nakarating sa Davao at Iloilo

Ipinaskil Oktubre 4, 2018 ng 7:10 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Matapos ang matagumpay na seminar sa Manila noong August 25, nagsagawa naman ang XM ng dalawa pang forex trading seminar para sa mga Pilipinong online traders sa Davao at Iloilo.

Gaya ng dati, isang nakatutuwang karanasan ang personal na kilalanin ang mga kasalukuyan at bagong kliyente at salubungin sila sa isang pang-edukasyonal na seminar. Idinisenyo ito para matugunan ang kanilang pangangailangan na matuto at makapagbigay ng propesyonal na edukasyon na makakatulong sa pagpapalalim ng kanilang kaalaman sa pag-trade.

Tinalakay ng seminar ang paggamit ng mga pamamaraan sa technical analysis sa online forex trading, na detalyadong ipinaliwanag ng propesyonal na guro na si Jonathan Lou Reyes. Ipinaliwanag niya ang magkakaibang technical indicators, kabilang na ang Avramis River, na maaaring gamitin para matukoy ang market trends at paliitin ang risk. Para sa mga dumalo, lubos nilang napakinabangan ang seminar dahil sa layunin nitong maging praktikal.

Ang aming mga seminar ay magpapatuloy pa sa mga susunod na buwan, sa iba pang mga destinasyon sa Pilipinas gaya ng Baguio, Cebu at Cagayan de Oro. Nasasabik na kaming makilala ang mga kliyente ng XM na pursigidong palawakin pa ang kanilang kaalaman sa pag-trade.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga nalalapit na seminar at para sa maagang rehistrasyon mangyaring mag-click dito.