Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Noong September 15, ang edukasyon na ibinibigay ng XM para sa mga online investors sa magkakaibang bansa sa Timog Amerika ay nakarating naman sa kapital ng Peru, ang Lima, kung saan natutuwa kaming bisitahin ang mga dumalo para sa libreng seminar tungkol sa pag-trade ng CFDs.
Ang makabuluhang presentasyon ng propesyonal na tagapagsalita na si Jarek Duque tungkol sa mga pamamaraan sa pag-trade ng CFDs ay dinaluhan ng maraming bilang ng traders na pinapahalagahan ang edukasyon kapag nag-iinvest sa magkakaibang financial instruments.
Tinugunan ni Jarek Duque ang magkakaibang paksang may kinalaman sa mga pamamaraan sa technical analysis na magagamit kapag nagti-trade ng CFDs, na siyang napakahalagang parte ng kasanayan sa online trading. Matapos magbigay ng pangkalahatang-ideya tungkol sa CFD markets sa buong mundo, ang mga bisita ay nakatanggap naman ng propesyonal na gabay sa kung paano mag-invest sa CFDs gamit ang MT5 platform. Natuto din sila kung paano samantalahin ang mga market sa tamang oras habang naglalapat ng tamang risk management.
Para sa lahat ng mga nais matuto tungkol sa pag-invest sa CFDs, na isang kilalang anyo ng derivative trading, ang seminar ay nakapagbigay ng mga mahahalagang kaalaman tungkol sa pag-trade ng stocks, indices, metals at energies sa anyo ng Contracts for Difference sa MT5 platform ng XM.
Ang seminar ay nagtapos sa isang Lucky Draw para sa lahat ng mga bumisita sa seminar, at binabati naming muli ang mga nanalo para sa kanilang mga napanalunan na makikita sa ibaba.
Mga Nanalo sa Lucky Draw
Mga Premyo | MT4/MT5 Account ID |
---|---|
Premyo 1: 38097835 | iPhone X |
Premyo 2: 31135861 | HP laptop |
Premyo 3: 12102480 | HP laptop |
Premyo 4: 33013394 | 900 XMP (XM Points) |
Premyo 5: 38138879 | 600 XMP (XM Points) |
Premyo 6: 33192477 | 300 XMP (XM Points) |
Nais naming pasalamatan lahat ng mga pumunta sa XM seminar sa Lima. Sa mga litrato sa ibaba, makikita ang ilan sa mga naganap sa seminar, na ikinagagalak naming suportahan para sa mga traders sa Peru.
Nais naming imbitahan lahat ng online traders na nais ipagpatuloy ang kanilang edukasyon kasabay ng XM, sa mga nalalapit na seminar naming sa Latin America, kung saan ang mga detalye nito ay mababasa dito.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.