Nalalapit sa Kedah: Seminar sa Forex Trading Techniques

Ipinaskil Hunyo 19, 2018 ng 8:01 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sumunod ang aming matagumpay na seminar na isinagawa sa Melaka, magpapatuloy ang XM sa susunod na destinasyon ng seminar nito sa Malaysia: ang Kedah.

Ang nalalapit na seminar ay gaganapin sa August 18 na pamumunuan ng kilalang instruktor na si Zulle Razak, na siyang magpi-presenta ng paksang pinamagatang Mga Istratehiya sa Online Trading para sa lahat ng mga gustong dumalo.

Para sa mga investor na nais makatanggap ng malinaw na pagpapaliwanag sa kung paano magsagawa ng indibidwal na istratehiya sa pag-trade base sa kani-kanilang estilo at layunin sa pag-invest, ang seminar ay magbibigay ng praktikal na impormasyon na may espesyal na tuon sa kung paano tumatakbo ang confluence sa forex trading.

Dahil isa sa mga pangunahing kinakailangan sa propesyonal na pag-trade ay ang pagkakaroon ng balanse sa pagitan ng mga inaasahan at pagsasagawa, pati na ang malaking bilang ng technical analysis tools na ginagamit at ang pinakamahusay lamang sa mga ito (depende sa indibidwal na layunin sa pag-trade, kaalaman, karanasan, at oras na inilalaan sa pag-trade), ang confluence ay isang teknik na may malaking potensyal. Kaya naman hindi lamang ipapakita ni Zulle Razak ang paggamit ng iba’t-ibang technical at fundamental analysis techniques ngunit ipapaliwanag din niya kung paano pagsama-samahin ang mga ito sa iisang mahusay at epektibong istratehiya sa pag-trade (ayan ay, sa pamamagitan ng paggamit ng confluence).

Katulad ng bawat XM seminar, isasaalang-alang ng nalalapit na pang-edukasyonal na event ang pagiging praktikal. Dahil dito, ipapakita ni Zulle Razak ang mga itinalakay na teorya gamit ang mga tunay na halimbawa.

Kung nais mong pumunta sa aming seminar at matuto kung paano pabutihin ang iyong mga istratehiya, magbasa pa tungkol sa event at mag-rehistro na nang libre dito.