Dadalo ang XM sa The Forex Day Finance Expo sa Madrid

Ipinaskil Mayo 24, 2018 ng 6:00 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa June 23, bibisita na naman ang XM sa Madrid, para dumalo sa pinakamalaking pangpinansyal na expo sa Spain, ang The Forex Day.

Gaganapin sa LASEDE sa ika-anim na pagkakataon sa kapital ng Spain, ang The Forex Day ay itinuturing na isa sa mga pinakamahahalagang pangpinansyal na kaganapan sa Europa na may layuning pagsama-samahin lahat ng mga retail traders at iba’t-ibang mga pangpinansyal na institusyon at bangko mula sa Spain at ibang bansa.

Sa pangalawang pagkakataon ngayong taon, dadalo ang XM sa pinakamalaking kaganapan sa forex sa Spain bilang isa sa mga pangunahing exhibitors. Nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya na salubungin ang mga bibisita sa opisyal na XM exhibiting booth blg. F3+F4, kung saan lahat ng mga gustong kilalanin kami sa personal ay makakatanggap ng impormasyon tungkol sa aming mga serbisyo, partikular na sa mga produktong idinisenyo para sa aming mga kliyente na taga-Spain.

Dahil ang The Forex Day ay tunay na isang kakaibang oportunidad para makilala ng mga bisita ang mga exhibitors, at para makipag-ugnayan at matuto pa tungkol sa stock at forex trading, mahalaga ang pagdalo ng XM sa event. Dahil dito nais naming imbitahan lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente para samahan kami sa The Forex Day sa June 23.

Mag-click dito para magbasa pa tungkol sa The Forex Day at kilalanin ang XM.