Magsisimula na ang mga XM Seminar sa Latin America

Ipinaskil Mayo 2, 2018 ng 10:29 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Matapos ang intensibong serye ng mga forex seminar na isinagawa sa magkakaibang lokasyon sa Latin America ngayong tagsibol, papunta naman ang XM sa susunod na mga seminar nito ngayong tag-init, na gaganapin sa limang lokasyon sa Mexico at Colombia.

Ang propeysonal na instruktor na si Jarek Duque, ang Chief Instructor para sa Tradepedia Latin America, na katuwang ng XM, ang magpi-presenta ng seminar na pinamagatang CFD Trading gamit ang Moving Average Ribbon sa mga sumusunod na siyudad: Bogotá, Medellín, Mexico City, Monterrey at Guadalajara.

Ang seminar ay magtatampok ng mga paksang may kinalaman sa iba’t-ibang financial instruments sa anyo ng Contracts for Difference, gaya ng stocks, stock indices, commodities, precious metals at energies, na maaaring i-trade sa MT5 multi-asset trading platform ng XM.

Ang presentasyon ni Jarek Duque ay tutuon sa kahalagahan ng tamang paggamit ng Moving Averages sa CFD trading, na importante sa lahat ng online investors para matukoy ang market trends, price action, at tukuyin ang mga support at resistance areas.

Para sa lahat ng mga nais magkaroon ng praktikal na kaalaman tungkol sa CFD trading, partikular na sa mga teknik sa technical analysis, hindi lamang ipapaliwanag ni Jarek Duque ang teorya na ituturo, ngunit magbibigay din siya ng mga detalye gamit ang mga tunay at madaling sundan na halimbawa. Higit sa lahat, ang mga dadalo ay makakatanggap ng mga mahahalagang gabay sa kung paano mag-trade ng CFDs sa MT5 platform sa pamamagitan ng regular na paglapat ng risk management.

Mag-click dito para sa karagdagang detalye ng mga seminar at i-reserba na ang iyong puwesto sa lokasyon at petsa na iyong napili. Nais ka na naming makita sa lalong madaling panahon.