Nanalo ang XM ng Parangal sa Egypt Economic Forum

Ipinaskil Abril 4, 2018 ng 7:51 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ikinagagalak naming ipaalam na binoto ang XM bilang Pinakamahusay na International Broker sa Rehiyon ng MENA sa Egypt Economic Forum ngayong taon, na isinagawa sa Cairo noong March 17.

Ang aming pagdalo sa event ay isang mahusay na oportunidad para kilalanin ang mga bisita, at makasalamuha ang marami sa aming mga kasalukuyang kliyente.

Isinagawa sa Semiramis InterContinental Hotel, ang event ay isa sa mga pinakamahahalagang pang-ekonomiyang pagpupulong sa Egypt, kung saan naghikayat ito sa pagdalo ng napakaraming mga eksperto sa pangpinansyal na industriya, mga indibidwal na investors at mga kilalang personalidad mula sa pangpinansyal na sektor at pagbabangko mula sa Egypt at mga bansa sa MENA nitong nakaraang walong taon.

Ang event ay isang magandang okasyon para makipag-ugnayan at makipagpalitan ng mga ideya kasama ng lahat ng mga bisita. Sinalubong ng XM ang mga dumalo sa opisyal na XM exhibition booth kung saan kinilala namin ang mga investors sa personal.

Higit pa, noong March 18, nagsagawa ang XM ng pangpinansyal na workshop na nagbigay-daan sa pagdidiskusyon tungkol sa mga oportunidad sa pag-invest, partikular na sa pag-trade ng forex at stock CFDs. Isa sa mga pangunahing tagapagsalita ay ang kilalang pangpinansyal na propesyonal na si Habib Akiki, Senior Market Strategist ng Tradepedia, na nagbigay ng makabuluhang pagtatalakay tungkol sa pag-invest sa stocks at pagsusuri sa market para sa taong 2018.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga dumalo sa Egypt Economic Forum noong March 17, pati na lahat ng mga bisita na sumali sa XM workshop noong March 18.

Sa ibaba makikita ang ilan sa mga litratong kinuha sa dalawang araw na event na ito.