Dadalo ang XM sa Money Show Pangpinansyal na Expo sa Thessaloniki

Ipinaskil Marso 28, 2018 ng 7:08 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pangalawang pagkakataon ngayong taon, dadalo ang XM sa Money Show Pangpinansyal na Expo sa Greece, ngayon naman sa siyudad ng Thessaloniki na gaganapin sa April 27-29.

Ang tatlong araw na event, kung saan iniimbitahan namin lahat ng aming mga kasalukuyan at bagong kliyente, ay gaganapin sa Hyatt Regency Hotel kung saan opisyal na sponsor ang XM.

Pinagsasama ng Money Show ang maraming mga kalahok sa pangpinansyal na industriya at mga retail investors, at layunin nitong pangasiwaan ang pakikipag-ugnayan ng mga kumpanya at indibidwal sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga pagpupulong para sa mga dadalo.

Bilang opisyal na sponsor dito, hindi lamang ipapakita ng XM ang mga pinakabagong serbisyo at produkto nito, ngunit magbibigay din kami ng mga presentasyon tungkol sa iba’t-ibang mga paksa sa investment sa XM exhibition booth, kabilang ang paggamit ng technical analysis sa pag-trade ng forex at CFDs. Higit pa, para sa mga kliyente ng XM magsasagawa din kami ng libreng seminar na pamumunuan ng propesyonal na instruktor na si Charalambos Spyridis tungkol sa pag-trade ng CFDs sa mga tanyag na stocks sa Greece, kasabay ng makabuluhang pagsusuri sa market para sa taong 2018. Ang seminar ay gaganapin sa Ephesus conference room ng Hyatt Regency Hotel sa pagitan ng 18:00 – 20:00 sa April 29.

Nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya na salubungin lahat ng mga dadalo sa opisyal na XM exhibition booth para talakayin ang kanilang mga pangangailangan sa investment at hanapin ang solusyon na tutugon sa kanilang layunin sa pag-invest sa XM.

Magbasa pa tungkol sa nalalapit na event at kilalanin ang XM sa Thessaloniki sa April 27-29.