Dadalo Muli ang XM sa Cairo para sa Forex at CFD Trading Seminar

Ipinaskil Pebrero 9, 2018 ng 7:47 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong 2018, patuloy ang XM sa tradisyon nito na magbigay ng mataas na kalidad na libreng edukasyon para sa mga retail traders sa rehiyon ng MENA. Sa March 16, bibisitahin muli namin ang Cairo, Egypt, para sa bagong paksa ng seminar na dedikado sa mas malalim na pagkakaintindi ng mga teknik sa technical analysis na ginagamit sa pag-trade ng forex at CFDs.

Ang presenter ng seminar na si Habib Akiki, ang Senior Market Strategist ng Tradepedia, ang magbibigay sa mga dadalo ng praktikal na gabay sa isa sa mga tanyag na indicators para sa mahabaan, katamtaman, at maikling time frames: ang Moving Averages. Higit pa dito, ipapakilala din niya sa mga dadalo ang isang teknik na base sa pinaghalong MAs, ang tinatawag na Moving Average Ribbon technique, na maaaring magbigay ng magandang resulta kapag tumutukoy ng nagpapalit na trends at sumusunod sa entry o exit signals sa market.

Ang napaka-epektibong teknik na ito sa technical analysis ay ipapakita gamit ang iba’t-ibang financial instruments, gaya ng forex at CFDs, para tulungan ang mga traders magkaroon ng lamang sa kanilang kasanayan sa online investing sa pamamagitan ng pag-intindi sa epekto ng iba’t-ibang time cycles at ang abilidad na makita ang kabuuan ng trends sa iisang chart.

Para sa lahat ng mga traders, baguhan man sila sa pag-invest sa forex at CFDs, o nais nilang makakuha ng karagdagang kaalaman base sa mga magagamit na impormasyon na ibibigay ni Habib Akiki, ang nalalapit na seminar sa Cairo ay maraming maitutulong sa lahat ng lebel.

Nais na naming makilala muli ang marami sa aming mga kasalukuyang kliyente, at salubungin ang mga bagong kliyente, na siyang sasalubungin ng mga kinatawan ng aming kumpanya at ng instruktor na si Habib Akiki, sa Cairo.

Para sa detalyadong paglalarawan ng seminar, pati na ang Lucky Draw raffle na magaganap sa event, at para makapag-rehistro na agad, mangyaring mag-click dito.