Pupunta ang XM sa Manila para sa isang CFD Trading Seminar

Ipinaskil Enero 10, 2018 ng 7:36 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa 04/03/2018, babalik ang XM sa Manila, Philippines, para sa libreng seminar na ibibigay sa mga online investors tungkol sa mga teknik sa pag-trade ng CFD (Contracts for Difference).

Kahit na hindi ito ang unang pagkakataon sa Pilipinas, nais nang makilala ng mga kinatawan ng XM at ang presenter na si Jonathan Lou Reyes ang mga kasalukuyan at bagong kliyente sa event na gaganapin sa Dusit Thani Manila Hotel.

Ang seminar ay magbibigay ng mga mahahalagang detalye para sa mga nagsisimulang mag-invest sa CFDs, at ipapaliwanag din nito sa mga pupunta ang mga pangunahing katangian ng CFD trading, kabilang na ang pagpapakilala sa CFD markets at detalyadong pagpapaliwanag sa mga financial instruments na itini-trade sa anyo ng CFDs.

Lahat ng mga online investors, baguhan man o batikan, ay maraming matututunan sa seminar: mula sa mga pinaka-simpleng katangian ng CFDs hanggang sa mga pinaka-importanteng technical analysis tools para malaman ang market trend strength at price action, sasakupin ng presentasyon lahat ng mga kailangang matutunan sa pag-invest sa stocks, indices o iba pang instruments na itini-trade bilang CFDs.

May espesyal na tuon na ibibigay sa mga CFDs na maaaring i-trade sa MT5 platform ng XM, kabilang ang mga technical analysis tools na maaaring gamitin (gaya ng Moving Average Ribbon technique) para sundan ang paggalaw ng market at malaman kung kailan papasok o lalabas sa market habang isinasaalang-alang ang risk management. Ang mga dadalo ay magkakaroon din ng gabay mula kay Jonathan Lou Reyes sa kung paano panghawakan ang trading psychology at pamahalaan ang mga pondo na in-invest sa CFDs.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa seminar, at para makapag-rehistro na sa event sa Manila, mangyaring mag-click dito.