Dumalo ang XM sa World of Trading sa Frankfurt

Ipinaskil Nobyembre 21, 2017 ng 9:42 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Matapos sumali sa Invest Trade Fair sa Stuttgart, dumalo naman ang XM sa pangalawang pagkakataon ngayong taon sa isa na namang pinansyal na expo sa Germany, ngayon naman sa World of Trading, na isinagawa sa Frankfurt noong November 17-18.

Kinikilala bilang isang mahalagang event ng iba’t-ibang pangpinansyal na institusyon sa Germany at sa iba pang bansa, ang World of Trading ay isinagawa sa Forum der Messe, Frankfurt, kung saan mahigit 50 exhibitors ang dumalo na eksperto sa brokerage, online trading, at stock exchange.

Ang XM ay dumalo sa dalawang-araw na event bilang isa sa mga pangunahing exhibitors para makilala ang mga kasalukuyan at bagong kliyente sa personal. Ang mga kinatawan ng aming kumpanya na dumalo sa event ay natuwa sa interes na ipinakita ng mga bisita sa mga serbisyo at produkto na aming ibinibigay sa mga online investors, kasabay ng mga market research at pang-edukasyonal na materyales na ibinibigay ng XM sa mga traders.

Maliban sa pagpapakita ng mga serbisyo ng aming kumpanya sa World of Trading, kabilang ang ilan sa mga bagong financial instruments sa XM gaya ng cryptocurrencies at mga indibidwal na stocks, ang pinakamahusay na aspeto ng pagdalo ng XM sa expo ay ang pakikipag-ugnayan sa mga kasalukuyan at bagong kliyente nito sa personal. Maliban sa mataas na interes ng mga online investors sa mga serbisyo at produkto sa XM, ikinagagalak naming makita muli ang aming mga kasalukuyang kliyente at partner na bumisita sa opisyal na XM exhibit booth, at para mailahad sa mga potensyal na kliyente ang aming mga serbisyo, libreng pang-edukasyonal na programa (gaya ng libreng live webinars at on-site seminars) na ibinibigay sa mga online investors na nagsasalita ng German.

Kaya naman, nais naming pasalamatan lahat ng mga bumisita sa amin sa World of Trading event series. Sa ibaba makikita ang ilan sa mga litratong kinuha sa event.