Nagpatayo ang XM ng Bagong Eskwelahan sa Uganda

Ipinaskil Nobyembre 2, 2017 ng 9:42 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nagpapatuloy ang kawanggawa ng XM na nagsimula ngayong taon para tulungan ang mga bata sa Saint Antonios of Monde Orphanage sa Wobulenzi, Uganda. Noong nakaraang linggo, ang mga kinatawan ng XM ay bumalik sa Wobulenzi para pasinayaan ang bagong eskwelahan na itinayo namin para sa mga lokal na bata.

Ikinagagalak naming makabalik sa Uganda para makisalamuha sa lokal na komunidad at gunitain ang pagpapasinaya ng Aristotle school block na itinayo ng XM kasabay ng pagtulong ng mga lokal na mamamayan. Ipinatayo namin ang Aristotle School dahil naniniwala kami na ang pantay na umpisa sa buhay ay mahalaga para sa bawat bata, anuman ang kanilang kultura, relihiyon o antas sa lipunan. Ang edukasyon ay nangangahulugan ng kaalaman, at ang kaalaman ay ang susi sa hinaharap ng ating mga kabataan.

Ang pagkakaroon ng pantay-pantay na oportunidad para sa mga nangangailangan ay isa sa aming mga pinapahalagahan sa XM. Lubos kaming naniniwala na maaari kaming makatulong sa buhay ng mga indibidwal at komunidad na walang pagkakataon sa lebel ng edukasyon tulad ng sa ibang lipunan. Naniniwala kami na ang Aristotle School ay makakapagbigay sa mga kabataan ng pundasyon para sa mas masaganang na hinaharap.

Ang pagpili namin ng pangalan ng Greek na pilosopo na si Aristotle para sa eskwelahang ito ay may malalim na kahulugan. Bilang isang pilosopo at guro, si Aristotle ay naniwala na Ang pagmulat sa pag-iisip nang walang pagmumulat sa puso ay hindi maituturing na edukasyon. Sa XM, naniniwala kami na importante ang pagtuturo ng mga tamang asal na huhubog sa pagkatao mula sa pagkabata. At ang pagtuturo nitong mga asal sa mga indibidwal ay magagawa lang kung ibibigay mo ang iyong buong puso dito. Para sa mga bata sa Saint Antonios of Monde Orphanage na magsasagawa ng unang hakbang sa mas maliwanag na hinaharap, magsisimula ang edukasyong ito sa Aristotle School.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga tumulong sa amin na ipatayo ang eskwelahang ito. Maswerte kami na magkaroon ng suporta mula sa lokal na komunidad para maipatupad itong pangarap namin. Nasa kagustuhan namin na ang bawat bata na magsisimula ng kanilang unang klase sa Aristotle School ay magtagumpay sa kanilang edukasyon at hinaharap.