Pinangaralan ang XM ng Shares Magazine bilang Pinakamahusay na Forex Execution Broker

Ipinaskil Oktubre 2, 2017 ng 12:17 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Ikinagagalak naming ipaalam sa aming mga kliyente na noong ika-27 ng September pinarangalan ang XM bilang Pinakamahusay na Forex Execution Broker sa UK Forex Awards 2017 ng Shares Magazine.

Sa pagkakapanalo ng XM nitong prestihiyosong parangal, nag-komento ang Marketing Director ng XM Group na si Chris A. Zacharia:

”Ang prestihiyosong parangal na natanggap mula sa Shares Magazine ay ipinagmamalaki namin dahil sinisimbolo nito lahat ng mga mahahalagang katangian ng XM. Ang mga katangiang ito ay tumatayo sa aming pagkatao: isang broker na nananatiling tapat sa negosyo nito. Bilang isang international investment firm na may mahigit isang milyong kliyente, ang aming pinakamahusay na execution policy ay isa sa aming mga kalakasan – kung saan makikinabang ang mga kliyente na nagtitiwala sa amin kapag nagti-trade sila kasama ng broker na nangangalaga sa kanilang pag-trade. Ang aming istriktong no-requotes policy ay gumagarantiya sa 100% trade execution rates nang walang rejection ng orders at real-time market execution. Para sa aming mga kliyente, ito ay lubos na mahalaga – kaya pinapahalagahan din ito ng XM. Ito ay isa sa mga importanteng katangian na nakapagbigay sa amin ng kalamangan sa ibang kumpanya, dahil mahalagang bahagi ito ng pag-trade sa amin kapag nagti-trade ng iba’t-ibang assets sa XM.

Ang Shares Magazine ay nangungunang online financial magazine sa United Kingdom, na may libu-libong mambabasa na investors, fund managers, analysts, at stockbrokers. Ang laman ng Shares Magazine ay sumasakop sa kabuuan ng investing, kabilang ang balita tungkol sa UK at global stock markets, mga teknik sa pag-invest, mga teknik sa asset management, at pag-analisa ng market.