Bibisita ang XM sa Australia para sa Serye ng mga Forex Seminar

Ipinaskil Setyembre 19, 2017 ng 9:54 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Magho-host ang XM ng serye ng mga forex seminar sa Australia, na dedikado para makapagbigay sa mga online investors ng kinakailangang impormasyon para magkaroon ng hands-on na karanasan sa swing trading.

Matapos makapunta sa mahigit 120 siyudad sa iba’t-ibang kontinente, bibisita ang XM sa mga siyudad sa Australia tulad ng Melbourne, Sydney at Perth kasama ng seminar syllabus na idinisenyo para sa mga nais matuto tungkol sa mga pangunahing konsepto ng forex swing trading.

Ang seminar na pinamagatang Mga Pangunahing Konsepto ng Avramis Swing Trading ay ipi-presenta ni Avramis Despotis sa bawat isa sa tatlong siyudad, na may layuning ipakilala ang mga teknik sa forex swing trading sa mga nais matuto nitong estilo sa pag-trade at pabutihin ang kanilang pag-trade gamit ang propesyonal na paggabay.

Mula sa pagtalakay ng global markets at mga pangunahing konsepto sa swing trading, tutulungan ni Avramis Despotis ang mga dadalo na magkaroon ng mas malalim na pagkakaintindi sa mekanismo ng forex trading sa pamamagitan ng mga halimbawang madaling maintindihan. Susundan ito ng pagpapakilala sa ilan sa mga kalidad na automated trading tools, na isinagawa sa pamamagitan ng pagpapanatili ng isang pangunahing criteria sa pag-trade: ang risk management. Ang pang-umaga at panghapong sesyon ng seminar ay maglalaan din ng oras para sa interaksyon ng mga kliyente, na tutulong sa kanila para makita kung paano tumatakbo ang swing trading.

Mag-click dito para sa detalyadong paglalarawan ng seminar at para i-book na ang iyong puwesto sa napiling lokasyon at petsa.