Serye ng Libreng mga Seminar Magsisimula sa Germany

Ipinaskil Setyembre 13, 2017 ng 7:33 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong taglagas, magho-host ang XM ng serye ng mga libreng seminar sa tatlong magkakaibang siyudad sa Germany, kung saan nais naming salubungin ang mga online investors na nais makadalo sa presentasyon ni Gil Paz tungkol sa paksang pinamagatang Pagpapakilala sa Online Forex Trading.

Magsisimula sa Berlin sa ika-21 ng October, na susundan sa Munich sa ika-11 ng November at Hamburg sa ika-9 ng December, ang serye ng mga pang-edukasyonal na event ng XM tungkol sa forex at ipi-presenta ng instruktor na si Gil Paz ay magbibigay ng mga makabuluhang impormasyon tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng istratehiya sa pag-trade ng forex o iba pang financial instruments.

Ang paksa ng seminar na ipi-presenta ni Gil Paz ay naglalayong makapagbigay sa mga dadalo ng pagtatalakay tungkol sa global markets at sa tulong ng totoong case studies mabigyan sila ng maliwanag na pagkakaintindi sa mga mahahalagang konsepto sa online investing, kung saan ang ilan sa mga ito ay ang kaalaman, praktis, pag-pursigi, kontrol sa sarili, at patuloy na pag-aaral.

Sa seminar ng XM, tutulungan ni Gil Paz ang mga dadalo na maintindihan kung bakit ang online investing ay isang proseso base sa praktis at kaalaman, at kung bakit mahalaga ang technical analysis sa forex trading. Sumunod nito, ang mga dadalo ay magiging pamilyar sa mga aspeto gaya ng price action, market trending, iba’t-ibang estilo sa pag-trade, at higit sa lahat ang mga madalas na ginagamit na technical indicators na magagamit sa day trading at swing trading. Ang ipi-presentang syllabus ay idinisenyo para bigyan ang mga online investors ng praktikal na kaalaman base sa mga istratehiya na mapapabuti sa pangmatagalan.

Mag-click dito para sa karagdagang detalye ng seminar at makapag-rehistro na sa siyudad at petsang iyong napili.