Iniimbitahan ng XM ang mga Traders sa Libreng Seminar sa Dubai

Ipinaskil Agosto 9, 2017 ng 10:19 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ikinatutuwa naming ipaalam sa aming mga kasalukuyan at bagong kliyente na interesado matuto ng praktikal na kaalaman tungkol sa mga teknik sa technical analysis sa forex trading na magho-host ang XM ng libreng forex seminar sa Dubai ngayong taglagas.

Gaganapin sa Kempinski Hotel Mall of the Emirates sa ika-4 ng November, ang seminar ay bukas para sa lahat ng mga online investors, baguhan man o batikan, na gustong pabutihin ang kanilang kasanayan sa pag-trade gamit ang propesyonal na gabay ng Certified Financial Technician na si Avramis Despotis.

Ang seminar na pinamagatang Directional Movement at Candlestick Reversal Patterns ay idinisenyo para ipaliwanag at magpakita ng mga technical analysis tools na magagamit ng mga online traders kapag tumutukoy ng market trends, kumuha ng momentum, at tukuyin ang magandang entry at exit points.

Matapos ang pagpapakilala sa kung paano tumatakbo ang market trends at kung paano ito mahalaga sa paggamit ng trading tools na makakatulong sa mga investors na tukuyin ang kanilang mga kalakasan at kahinaan, ipapaliwanag ni Avramis Despotis ang paggamit ng indicators, gaya ng ADX trend strength indicator, candlestick chart patterns, at iba pang mga teknik na mahalaga sa forex trading. Higit pa, ang mga dadalo sa seminar ay magkakaroon din ng eksklusibong oportunidad na matuto tungkol sa mga Tradepedia automated tools, na ginawa para malaman ang market trend strength at tulungan ang mga traders na paliitin ang risk sa pangmatagalan.

Ang pang-edukasyonal na event ay magtatapos sa XM Lucky Draw na mamamahagi ng mga mahahalagang premyo sa mga maswerteng mananalo na siyang ira-raffle sa mismong event.

Mag-click dito para sa mas detalyadong paglalarawan sa seminar at mag-book na ng upuan. Nais na namin kayong makita sa Dubai.