Serye ng mga Forex Seminar Magsisimula sa Middle East at North Africa

Ipinaskil Agosto 1, 2017 ng 6:40 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Mula ngayong September, magsisimula ang XM ng serye ng intensibong seminar sa iba’t-ibang lugar sa Middle East at North Africa, na idinisenyo para sa mga online investors na nais magkaroon ng mga magagamit na kaalaman tungkol sa pag-trade ng forex at iba pang financial instruments.

Sa pagitan ng September at December ngayong taon, ang seminar na pinamagatang Pagpapakilala sa mga Teknik sa Avramis Swing Trading ay isasagawa sa iba’t-ibang lokasyon sa Middle East at North Africa. Bilang mahalagang parte ng dedikasyon ng XM na makapagbigay sa online traders ng propesyonal na edukasyon, ang serye ng seminar ay naglalayong makatulong sa kanila na pabutihin ang kanilang pag-trade at magsagawa ng tamang risk management sa kanilang indibidwal na istratehiya para sa magandang resulta sa pangmatagalan.

Ang unang dalawang destinasyon sa engrandeng seminar tour ay ang Cairo, Egypt, sa ika-30 ng September, kung saan sasalubungin namin ang mga dadalo sa Ramses Hilton Hotel para sa isang-araw na seminar at workshop na isasagawa ng presenter na si Habib Akiki. Ang event na ito ay susundan sa Kuwait City, Kuwait, sa 14 October, kung saan isasagawa ang seminar sa Marriott Courtyard Hotel.

Ang seminar ay mayroong sistematikong pagtatalakay sa mga teknik sa swing trading, na may layuning tulungan ang mga dadalo magkaroon ng mas malalim na pagkakaintindi sa kung paano gagamitin itong estilo sa pag-trade sa pangmatagalan. Gamit ang propesyonal na paggabay ng presenter na si Habib Akiki, ang mga dadalo sa event ay hindi lamang magkakaron ng oportunidad na maintindihan ang mga ugnayan sa forex market, ngunit matututo din sila tungkol sa isa sa mga pinakamahahalagang kumpuni ng swing trading: ang technical analysis.

Ang seminar ay magtatapos sa XM Lucky Draw na magpapamigay ng mga mahahalagang papremyo sa mga maswerteng mananalo na siyang ira-raffle sa mismong event.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye at mag-rehistro na sa mga nalalapit na seminar, pati na rin malaman ang mga susunod na lokasyon ng seminar ng XM sa Middle East at North Africa, mag-click dito.