Matagumpay na Nagtapos ang 1 Milyong Dolyar na Forex World Championship

Ipinaskil Hulyo 18, 2017 ng 9:06 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Friday, ika-14 ng July 2017, matagumpay na ini-host ang final round ng 1 Milyong Dolyar na Forex World Championship sa Bangkok, Thailand sa Plaza Athenee Hotel.

Ang mga finalists mula sa bawat isa sa 10 rounds na nakapasok sa final round ay nakipag-kumpitensya sa isang event na ipinalabas nang live online at napanood ng 660,000 na kliyente at fans.

Sa 10 nangunang traders na nakapasok sa final round, 8 ang pumunta sa live finale sa Bangkok. Kaya naman nais naming batiin ang 8 finalists ng XM Isang Milyong Dolyar na Forex World Championship at sa mga premyong napanalunan nila sa Grand Finale:

Nickname Premyo
JIGSAW – mula Thailand $150,000
FER43 – mula Argentina $100,000
CLEUSO – mula Brazil $75,000
LYH76684 – mula China $40,000
ANNU121 – mula India $35,000
CHITTAGONG – mula Bangladesh $30,000
RABAHDIC – mula Algeria $25,000
ARIELFX – mula Indonesia $20,000

Nais pasalamatan ng XM ang lahat ng mga kliyenteng sumali sa kumpetisyon sa nakaraang 14 buwan at nais namin muling batiin ang mga finalists.

Para panoorin ang ini-record na live broadcast -> Mag-click Dito

Tungkol sa 1 Milyong Dolyar na Forex World Championship

Ang 1 Milyong Dolyar na Forex World Championship ay isang kumpetisyon na mayroon 12 rounds na nagsimula noong ika-1 ng June 2016 at nagtapos sa final round nito noong ika-14 ng July 2017.

Sa kabuuan ng kumpetisyon nakapagbigay ito ng $1,000,000 dolyar sa cash na premyo.

Sa unang 10 rounds, ang mga traders ay may oportunidad na mapanalunan ang $50,000 na cash na premyo sa bawat round. Ang nangungunang 5 traders sa bawat round ay nakapasok sa Semi Final Round. Sa kabuuan ng 10 pangunang rounds nakapagbigay ito ng $500,000 sa cash na premyo.

Sa pagitan ng ika-19 at ika-26 ng April 2017, ang 50 kliyente na nakapasok sa Semi Final ay nakipag-kumpitensya para mapanalunan ang isa sa mga 10 puwesto sa Final Round.

Ang panghuli at final na round ng championship na isinagawa sa Bangkok Thailand sa pagitan ng ika-13 at ika-14 ng July sa pamamagitan ng live na event, ay napanood ng 660,000 na tao sa live na pag-broadcast nito.