Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Ikinatutuwa naming ipaalam ang pinakabagong pagkawanggawa na isinagawa ng XM sa Johor Bahru, Malaysia, noong ika-17 ng June ngayong taon.
Sa loob ng mga nakaraang taon, maraming beses na pinatunayan ng XM ang kabutihan nito at kagustuhang tumulong sa sandaling may mga taong nangangailangan, lalo na sa mga bansang apektado ng mga sakuna, gutom, kakulangan sa medisina o pagkain.
Ilang sandali matapos magsimula ang kawanggawa sa Uganda, ang mga miyembro ng XM ay nagpatuloy sa kanilang sumunod na misyon sa siyudad ng Johor Bahru sa Malaysia para tulungan ang mga mamamayang hindi kayang magdiwang ng Hari Raya, na siyang sumisimbolo sa pagtatapos ng isang-buwan na fasting sa Ramadan.
Ang aming pakay ay para tulungan ang mga kapus-palad sa Johor Bahru at bigyan sila ng pagkain, medisina at kadamitan. Sa tingin namin, misyon namin na magsimula ng pagkawanggawa na makakatugon sa mga pangangailangan ng mga taong hindi kayang magdiwang nitong araw na napaka-importante para sa mga Muslim.
Malaki ang kahulugan ng kawanggawa para sa amin: nakakatulong kami sa mga tao, nakaka-salamuha namin sila, at higit sa lahat ay nakamit namin ang aming pakay na maging daan sa positibong pagbabago sa mga buhay ng tao noong Hari Raya.
csrBabala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.