Binoto ng CFI Magazine ang XM bilang “Pinakamahusay na Trading Support”

Ipinaskil Hulyo 3, 2017 ng 11:03 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ikinatutuwa naming ipaalam sa aming mga tapat na kliyente at partners na ang XM ay ibinoto bilang broker na may “Pinakamahusay na Trading Support” sa taong 2017 sa CFI.co (Capital Finance International) Magazine awards.

Tungkol sa pagkapanalo ng XM sa prestihiyosong parangal na ito, nag-komento si Chris A. Zacharia, ang Marketing Director ng XM Group:

“Nais kong batiin ang aming Customer Support Department sa kanilang husay. Ipinagmamalaki ng mga tao sa XM ang parangal na ito, at lalong ipinagmamalaki ito ng aming customer service and support department, dahil sila ang departamento na lubos na tumutulong sa mga kliyente sa napakaraming mga lengwahe at sa napaka-propesyonal na paraan. Hindi ito madaling trabaho. Personal kong gustong batiin ang ating mga empleyado at nais ko ding pasalamatan ang CFI.co Magazine sa pagkilala sa aming husay.”

Ang parangal na ito ay isang pagkilala sa aming mga pagsisikap. Mula nang isinagawa ang kumpanya, nag-invest nang husto ang XM sa napakahusay na operasyon na tumutuon sa tao at kliyente na may multilingual support team at nagbibigay ng 24-hour support sa mahigit 30 lengwahe, na nagbigay sa XM ng bentahe kasabay ng napaka-advanced na pag-trade.

Tungkol sa CFI.co Magazine

Ang CFI.co ay isang print journal at online resource na nagtatalakay sa negosyo, ekonomiya at finance, na kumikilala na ang mga tradisyonal na pagkakaiba ng emerging at developed markets ay hindi na masyadong nakikita habang mas nagkakaisa ang mga ekonomiya sa buong mundo. Naka-base sa London, ang pinaka-multicultural na siyudad sa mundo, ibinibigay ng CFI.co ang pag-ulat at pag-analisa ng mga nag-uudyok ng ganitong pagbabago.