Pangkawanggawang Misyon ng XM sa Uganda

Ipinaskil Hunyo 29, 2017 ng 7:23 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nagpapatuloy ang pangkawanggawa ng XM sa aming susunod na misyon sa Uganda para tulugan ang mga bata sa Saint Antonios of Monde Orphanage na nasa Wobulenzi district.

Ang pagkakaroon ng mas magandang mundo ay isa sa mga pangunahing layunin ng aming corporate social responsiblity. Mahalaga ang edukasyon para makamit ang potensyal ng mga tao at ito rin ang pundasyon ng pag-unlad ng lipunan at ekonomiya sa buong mundo. Kaya naman, naniniwala kami na lahat ng tao ay dapat may access sa lahat ng uri ng edukasyon.

Mahigit 400 na bata ang gumigising -araw sa ampunan, na pinapatakbo ni Father Antonios Mutyaba, isang lokal na pari na naglaan ng kanyang buhay para sa kapakanan ng mga bata at tulugan silang makapagtapos ng high school. Kabilang na ang pagbibigay ng 3 pagkain araw-araw, pumapasok din sila sa on-site na eskwelahan, kabilang ang 500 lokal na bata, kaya naman mas lumiliit ang resources habang lumalaki ang ampunan. Higit pa, may itinayong technical school para magkaroon ng kaalaman ang mas matandang mga estudyante na magbibigay-daan para makakuha sila ng trabaho sa kanilang mga lokal na industriya.

Ang lokal na kita ay nakukuha sa pamamagitan ng mga proyekto tulad ng pagkakaroon ng partnership kasama ng isang coffee export company para turuan ang mga magsasaka kung paano magpalago ng kape na mas mataas ang halaga at presyo. Kaya lang, hindi ito sapat para bigyan ang mga estudyante ng mga amenities na kinakailangan nila para sa magandang kalidad na edukasyon.

Ano ang parte ng XM dito?

Nagbigay ang XM na malaking halaga para makapagsagawa ng mga bagong silid-aralan dahil nasira ng bagyo ang isa sa mga ito. Naiintindiham namin na kailangan ng sipag at disiplina para baguhin ang mga buhay ng mga bata, ngunit hindi kami natatakot dito. Ang sabay na pakikipag-ugnayan ay makakatulong para sa mga susunod na henerasyon at itinuturing namin ito bilang aming pangunahing misyon.

Ang silid-aralan ay isa lamang sa mga nais naming ibigay sa komunidad na ito. Magbabalita pa kami tungkol sa espesyal na misyong ito, ngunit pansamantala mangyaring bisitahin ang website ng ampunan para magbasa pa tungkol sa kanilang istorya dito.

Sa ibaba makikita mo ang ilan sa mga imahe ng silid-aralan na ipinapatayo sa tulong ng XM.