Nag-sponsor ang XM ng Limassol Marathon sa Cyprus

Ipinaskil Enero 28, 2015 ng 1:24 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Dahil ang aming headquarters ay nasa Limassol, Cyprus, kami ay laging naghahanap ng paraan upang makapag balik sa lokal na komunidad sa pinakamagandang paraan na kaya namin. Ito ang dahilan kaya ang XM ay Gold Sponsor sa Limassol Marathon ng taong ito.

Sa ika-29 ng March, ang mga tatakbo ay aalis mula sa magandang baybay Limassol. Ang taunang event ay kilala bilang pinakamaganda sa Europe at nag-aakit ng nga tatakbo mula sa buong mundo na gustong lumaban sa ilalim ng araw ng Mediterranean.

Ang event ay sobrang inaabangan na pati mga miyembro ng XM team ay naghahanda na upang sumali din. Kami ay sigurado na magiging mabuti ang pagtakbo nila dahil ang aming team ay mayroon ng mga disiplinang kailangan upang maging matagumpay na tagatakbo sa marathon: kagustuhang magtagumpay, dedikasyon, at determinasyon.

Kung nais mong sumama, mayroon man o walang sapatos pangtakbo, nais ka namin makita roon.