XM nagdaos ng Live Seminar sa Jordan

Ipinaskil Mayo 8, 2014 ng 12:10 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong ika-6 ng May, ang XM ay nagdaos ng live seminar sa Intercontinental Hotel sa Amman, Jordan bilang parte ng XM MENA tour na kasalukuyang nagaganap. Ang event ay naka akit ng maraming aktibong trader mula sa rehiyon.

Ang seminar ay pinangunahan ng top trading authority ng MENA na si Avramis Despotis; Ang nagtatag ng nangungunang training institution sa dubai, ang Tradepedia. Sa maraming taon ng pagta-trabaho sa kaniyang field, si Avramis ay nagkaroon ng mahabang karera sa pagbibigay ng serbisyo sa maraming high profile na mga kumpanya kasama ang Arab Bank, Barclays Bank, Reuters, at marami pang iba.

Ang XM team na pinangunahan mismo ng aming CEO na si Costas Cleanthous, ay naroon para makipagharap-harapan sa mga dumalo.

Sa pagtatapos ng isa nanamang tagumpay na event, nais namin magpasalamat sa lahat ng bumiyahe upang makasama kami sa Amman, at kami ay nasasabik nang bumalik Jordan again sa hinaharap.