Dumalo ang XM sa Money Summit & Wealth Expo 2017 sa Pilipinas

Ipinaskil Mayo 11, 2017 ng 6:52 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong ika-6 ng May ngayong taon, nagkaroon ng pribilehiyo ang XM na dumalo sa Money Summit & Wealth Expo 2017 sa Taguig City, Philippines, bilang Silver Sponsor ng event.

Nagsimula noong 2010 at isinasagawa bawat taon, ang event ay naging prestihiyoso sa mga Pilipino at overseas online investors, at naghikayat ito ng maraming mga kumpanya mula sa financial at banking industry na may layuning ipakita ang kanilang mga produkto at serbisyo sa mga dadalo.

Ang aming unang pagkakataong pumunta sa Money Summit & Wealth Expo 2017 ay isa na namang mahalagang kaganapan sa kasaysayan ng XM. Ikinatutuwa naming makasalamuha muli ang marami sa aming mga Pilipinong kliyente at kilalanin ang mga bagong kliyenteng interesado sa XM.

Bilang Silver Sponsor, dumalo ang XM sa event na dedikadong pagsama-samahin lahat ng mga retail investors at pangpinansyal na kumpanya bilang online trading services provider na may matatag na presensya sa Pilipinas. Dahil dito, napaka-importante ang pagpapakita ng aming mga pinakabagong produkto sa mga dumalo.

Kaya naman, nais naming pasalamatan lahat ng mga dumalo sa XM exhibiting booth, at makikita sa ibaba ang ilan sa mga litratong kinuha noong Money Summit & Wealth Expo 2017.