Importanteng Notipikasyon – Pangalawang Round ng Pampanguluhang Eleksyon sa France

Ipinaskil Mayo 3, 2017 ng 12:04 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Nais naming ipaalam sa iyo na ang nalalapit na pangalawang round ng Pampanguluhang Eleksyon sa France, na gaganapin sa ika-7 ng May 2017, ay maaaring magdulot ng matinding market volatility, manipis na market liquidity, hindi normal na spreads at price gaps sa maraming mga currency, commodity at stock markets sa buong mundo.

Dahil sa eleksyon, at para protektahan ang aming mga kliyente at ang Kumpanya mula sa inaasahang pagkakagulo na dulot ng eleksyon, ipapatupad ng XM ang mga sumusunod na pansamantalang patakaran:

Mula 17:00 p.m. server time (GMT+3) sa Friday, ika-5 ng May 2017, ang kinakailangang margin para sa lahat ng positions (para sa pagbubukas ng bagong positions at pagpapanatili ng kasalukuyang positions) ay pansamantalang itataas sa:

  • 2% (50:1 leverage) para sa lahat ng currency pairs, Gold at Silver at
  • 4% (25:1 leverage) para sa lahat ng CFDs sa Equity Indices, Commodities.

Ang pansamantalang patakarang ito ay hindi na ipapatupad para sa lahat ng positions at ang kinakailangang margin ay ibabalik sa normal (ayon sa normal na account leverage settings ng kliyente) simula Monday ika-8 ng May 2017, ilang sandali matapos ianunsyo ang resulta ng pangalawang round ng Pampanguluhang Eleksyon sa France.

Ang mga kliyente na nais magpanatili ng open positions sa nalalapit na Pampanguluhang Eleksyon sa France ay dapat siguruhin na ang kanilang mga account ay sapat na napondohan para maiwasan ang anumang pagkaabala mula sa posibleng margin calls at/o stop-outs sa kanilang pag-trade.