Engrandeng Charity Tour ng XM – Nepal

Ipinaskil Abril 18, 2017 ng 10:35 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Napakahalaga ng humanidad para sa amin sa XM kaya naman nakipag-ugnayan kami sa ‘The Rhea Foundation’ na isang rehistradong NGO sa ilalim ng European na regulasyon.

Pakay ng The Rhea Foundation na makatulong nang direkta sa mga hindi pinagpalang lugar sa buong mundo gamit ang tulong ng mga indibidwal at iba pang mga organisasyon. Ang mga pangunahing pangangailangan ay ipinapadala sa mga liblib na lugar na hindi nararating basta-basta, kabilang ang pagkain, tubig at tirahan sa mga maralita.

Isa sa mga bagay na binabale-wala ng mga karamihan ngayon ay ang sapatos sa umaga; pamilyar ba? Mayroong mahigit 300 milyong bata ang walang sapatos at 2 bilyong nagkakasakit galing sa lupa dahil hindi nila maprotektahan ang kanilang mga paa. Alalahanin mo ito sa susunod na malaman mo na walang size ang nagustuhan mong sapatos kapag ikaw ay nag-shopping ngayong weekend.

Kaya ano ang solusyon?

Ang The Rhea foundation ay tumutulong sa ‘Because International’ na isang NGO na gumagawa ng ‘shoe-that-grows’ na nagbibigay-daan para sa mga indibidwal na protektahan ang kanilang mga paa gamit ang makabagong sapatos na lumalaki habang sila ay lumalaki.

Ang pangkat ay nagsagawa na ng missions sa Tanzania, Africa at babalik sa Nepal kung saan magpapamahagi sila ng napakaraming sapatos, t-shirts, monk robes at iba pang pangaraw-araw na pangangailangan. Ang pakay nitong engrandeng charity tour ay hindi lamang magpamigay ng sapatos at damit sa mga tao sa Nepal kung hindi makapagbigay din ng cash na donasyon sa mga monasteryo, ampunan, eskwelahan at komunidad sa tulong ng XM dahil gusto namin makapagbigay ng tunay na pagbabago.

3 miyembro ng The Rhea Foundation; sina Socrates Rossides, Nicolas Nicolaou at Constandinos Nicolaou ang mangunguna sa 15 araw na trek sa buong Nepal kasabay ng tulong ni Pem Dorje na dating Monk sa Nepal na nag-retiro para maglakbay. Si Pem at aktibo na sa pagbibigay ng kagamitan at pagkain sa mga Monks sa mga monasteryo sa Nepal.

Ito ay napakahalaga sa XM at iniimbitahan namin ang lahat ng gustong makagawa ng pagbabago na mag-donate para sa mga taong nabubuhay sa kahirapan.

Maaari kang mag-donate sa The Rhea Foundations website dito at magbasa pa tungkol sa ‘The shoe-that-grows’ dito.

Ang bawat barya ay mahalaga at lahat ng mga donasyon ay lubos naming pinapahalagahan.

Samahan ang XM kasabay ang pangkat sa mga sumusunod na lokasyon:

  • Kathmandu
  • Pharping valley
  • Lumbini
  • Chitwan
  • Chitwan National Park
  • Tatopani
  • Boudhanath Stupa

Humanda na at samahan ang aming paglalakbay sa aming global Facebook page habang nagmo-motor ang pangkat sa off-road, sa mga lambak, at bundok para marating ang mga bata sa maraming magkakaibang lokasyon sa Nepal sa tulong ng XM.

Abangan!