Lalahok ang XM sa ITForum Rimini 2017

Ipinaskil Abril 18, 2017 ng 8:38 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ikinatutuwa naming ipaalam sa aming mga kliyente na sa May 18-19 dadalo ang XM sa ITForum 2017 sa Rimini, Italy.

Ang ITForum ay serye ng mga events na dedikado sa online trading at investment, at tinitipon nito ang karamihan sa mga malalaking kumpanya mula sa financial at banking industry kasama ng mga retail investors. Dahil dito, nagiging daan ang ITForum para maging social platform sa mga nagbibigay ng pangpinansyal na serbisyo at mga indibidwal na interesado sa online investing. Sa mahigit 5,000 na dumalo noong nakaraang taon, nakamit na ng ITForum ang mataas na lebel ng interes sa Italy at sa iba pang mga bansa.

Dadalo ang XM sa Rimini event bilang isa sa mga nangungunang kumpanya na nagbibigay ng pangpinansyal na serbisyo na nagkaroon na ng tiyak na katayuan sa Italy. Ang ITForum ay isa na namang magandang oportunidad para makipag-ugnayan muli sa mga kliyente at makilala ang mga interesado sa aming mga serbisyo sa opisyal na XM exhibiting booth no. 33, kung saan sasalubungin ng aming mga kinatawan ang mga dadalo sa event.

Mag-click dito para sa karagdagang detalye tungkol sa nalalapit na event.