Importanteng Anunsyo Galing sa XM

Ipinaskil Abril 9, 2017 ng 9:31 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nais naming ipaalam sa aming mga kliyente na maging maingat sa mga hindi mapagkakatiwalaang bali-balita na madalas nagaganap sa panahon ngayon. Ang marami sa mga ito ay may malisyosong balak at/o hindi maaasahan.

Ang reputasyon ng XM ay itinatag namin base sa pinakamataas na prinsipyo at pagiging patas sa mga kliyente. Ang XM ay mayroong proseso sa pag-sampa ng pormal na reklamo at ang pangkat na humahawak sa mga reklamo, maliit man o seryoso, ay binibigyang solusyon ito sa pinakamabilis at pinakapatas na pamamaraan. Walang tunay na reklamo mula sa kliyente ang hindi nasolusyonan hanggang ngayon.

Determinado ang XM para gawin ang lahat ng pamamaraan laban sa mga mapanirang balita para protektahan ang reputasyon nito.