Ang XM ay Silver Sponsor sa Money Summit & Wealth Expo 2017

Ipinaskil Abril 6, 2017 ng 7:36 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa ika-6 ng May 2017, lalahok ang XM sa Money Summit & Wealth Expo 2017 sa Taguig City, Philippines, bilang Silver Sponsor ng event.

Ang paglahok ng XM sa isa sa mga pinakamalaking investing at trading exhibitions sa Philippines ay isa na namang importanteng kaganapan sa kasaysayan ng aming kumpanya. Bilang Silver Sponsor ng Money Summit & Wealth Expo, ikinatutuwa naming maging isa sa mga pangunahing exhibitors mula sa financial at banking industry at ipakita ang aming mga serbisyo at produkto sa mga Pilipino.

Inilunsad noong 2010, ang Money Summit & Wealth Expo ay nagtitipon-tipon sa mga pinakamalalaking market players na eksperto sa serbisyo ng online investing, kung saan ang bilang ng mga bisita ay umaabot ng 12,000. Gaganapin sa SM Convention Center, ang expo ay isang napakagandang oportunidad para makakilala ng iba pang mga online investors mula sa Philippines at makapagbahagi ng mga indibidwal na karanasan.

Nais nang imbitahan ng mga miyembro ng XM na dadalo sa isang araw na event ang mga bibisita sa opisyal na exhibiting booth, at para makilala ang aming mga kasalukuyang kliyente at partners na dadalo.

Para makilala kami nang personal sa Taguig City sa ika-6 ng May at para magbasa pa ng mga detalye tungkol sa nalalapit na event, mag-click dito.