Babalik ang XM sa China para sa Swing Trading Seminar

Ipinaskil Marso 23, 2017 ng 1:47 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Para sa ikalimang magkakasunod na beses mula nagsimula ang 2017, babalik ang XM sa China ngayong tagsibol, at iniimbitahan nito ang mga trader sa engradeng seminar na gaganapin sa Chongqing sa ika-13 ng May.

Sasalubungin ng mga kinatawan ng aming kumpanya at ng presenter na si Mario Pashardes ang mga dadalo sa Hyatt Regency Hotel para sa isang araw na libreng seminar tungkol sa swing trading partikular na sa paggamit ng mga trading tools ng Tradepedia.

Ang mga dadalo sa seminar ay magkakaroon ng oportunidad na dumalo sa seminar na idinisenyo para palawigin ang mga pangunahing aspeto ng swing trading gaya ng technical analysis sa pag-analisa ng mga price patterns o ang paggamit ng mga Fibonacci trading tools.

Tatalakayin ni Mario Pashardes sa mga dadalo ang kahalagahan ng mga global markets, at mga bagay na nakakaapekto sa market trending at mga istratehiya na maaaring magamit para matukoy ang paggalaw ng presyo at magkaroon ng sapat na risk management.

Lahat ng mga dadalo sa edukasyonal na event ay makakasali din sa XM Lucky Draw na mamimigay ng premyong nagkakahalaga ng 1,500 USD sa mga mananalo.

Para mag-rehistro sa Chongqing seminar at malaman ang petsa ng seminar na isasagawa sa siyudad ng Zhengzhou, mangyaring mag-click dito.