Ang XM ay isa nang WF100 na Kumpanya

Ipinaskil Enero 18, 2017 ng 1:17 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Ikinatutuwa naming ipaalam sa aming mga kliyente at partner na simula ngayon ika-17 ng January 2017 ang XM ay nakasama sa WF100 (World Finance 100) para sa taong 2016.

Kami ay lubos na natutuwa na ang aming patuloy na paninindigan at walang humpay na pagsusumikap ay kinilala ng mga nagbabasa ng WF100. Marahil mainam na sabihin na ang XM ang tanging broker na napabilang sa WF100, na isa nang malaking tagumpay sa panahon ng matinding kompetisyon at pagpapabuti ng mga regulatory standards, kaya’t ang mga nagtatagumpay lamang ay ang mga kumpanyang may mapang-matagalang pakay.

Ang XM ay nakakaranas ng patuloy na paglago ngunit gaya ng nasabi na namin, nananatili kaming mapagkumbaba at nakatuon sa aming mga pinapahalagahan para mapagpatuloy ang paglagong ito at makapagbigay pa ng mas pinabuting produkto kada buwan. Ang World Finance 100 ay naglilista ng mga nagtatagumpay sa iba’t-ibang industriya, kabilang na ang mga organisasyon at indibidwal na nagpapatnubay sa mga industriyang ito.

Ang listahan ay nagtataglay ng mga bagong elitista sa negosyo, kung saan ang kanilang pakay at negosyo ay naghuhulma sa finance, negosyo at teknilohiya. Ang WF100 research fellowship ay tumatanggap ng nominasyon, suhestiyon at kontribusyon ng mga nagbabasa ng World Finance (mga isinumite gamit ang homepage ng magazine), at sinusuri at ina-analisa ang mga bagong trend para malaman ang mga pinakamagagaling sa panahon ngayon.