Bibisita ang XM sa Malaysia para sa Serye ng mga Forex Seminar

Ipinaskil Enero 18, 2017 ng 8:24 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pagitan ng 25 February at 14 May ngayong taon, babalik ang XM sa Malaysia para sa serye ng mga forex seminar na gaganapin sa apat na magkakaibang siyudad.

Ang seminar na pinamagatang Mga Teknik sa Confluence sa Forex Trading ay ipe-presenta ng propesyonal na forex instruktor na si Zulle Razak, at sasalubungin niya ang mga kliyente ng XM sa magkakaibang lokasyon sa Malaysia, na magsisimula sa Penang sa ika-25 ng February, Johor Bahru sa ika-18 ng March, at susundan sa Sabah sa ika-22 ng April at Miri sa ika-14 ng May.

Lahat ng apat na events ay maaaring puntahan sa pamamagitan ng libreng rehistrasyon ng mga kliyente ng XM at magbibigay ito ng mga mahahalagang online trading tools na ginagamit sa spot forex trading. Isang kombinasyon ng magkakaibang teknik sa online investing ay ipapakita ng presenter na si Zulle Razak, na naglalayong ipakilala ang mga dadalo sa basics ng forex trading at gabayan sila sa ilan sa mga pinakamahalagang kasanayan sa pag-trade nang may layuning magsagawa ng indibidwal na plano sa pag-trade. Bibigyan din ng espesyal na atensyon ang risk management at trading psychology, at ang mga dadalo ay magiging pamilyar din sa kung paano bigyang-kahulugan ang mga charts at gamitin ang mga indicator nang mas tama.

Ang mga miyembro ng XM na pupunta sa bawat lokasyon ay nais nang salubungin ang aming mga kliyente na nais kaming makilala at makakuha ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga teknik sa spot forex trading.

Para magbasa pa tungkol sa detalye ng seminar, mga lokasyon at petsa, at para mag-rehistro na, mag-click dito.