Mga XM Seminars Isinagawa sa Thessaloniki at Athens

Ipinaskil Nobyembre 10, 2016 ng 8:07 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang Sertipikadong Financial Technician ng Tradepedia na si Avramis Despotis, kasama ng mga miyembro ng XM, ay pumunta sa dalawang magkaibang lokasyon sa Greece ngayong November dahil sa libreng seminar para sa mga kliyente ng XM.

Maraming mga investor mula sa rehiyon, na kinuha ang oportunidad para makilala ang tanyag na forex instruktor na si Avramis Despotis nang personal at para pabutihin ang pag-trade, ay sumali sa event sa Thessaloniki noong ika-4 ng November at Athens noong ika-5 ng November.

Mayroong pang-umaga at panghapong sesyon, ang seminar na Introduksyon sa Avramis Swing Trading ay tumalakay sa mga magagamit na pamamamaraan sa swing trading at nagbigay ng praktikal na kaalaman tungkol sa mga istratehiyang ginagamit ng mga swing traders. Ang mga dumalo ay nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng maliwanag na pagkakaintindi sa mga financial markets at teknik sa pag-trade.

Iba’t-ibang mga pangunahing pamamaraan sa online investing ay tinalakay ni Avramis Despotis sa mga dumalo, na may espesyal na pagtatalakay sa technical analysis. Lahat ng mga dumalo ay tinuruan din ng paggamit ng iba’t-ibang mga trading indicators na ginawa ng Tradepedia para sa mas mahusay na risk management at pagkilatis ng trends.

Sa ibaba nakuha namin ang ilan sa mga highlight ng seminar sa bawat lokasyon.

1

2

4

5

6

7

8

9

10

11

12

13