Importanteng Notipikasyon – US Presidential Elections

Ipinaskil Nobyembre 4, 2016 ng 1:14 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Nais naming ipaalam sa iyo na ang nalalapit na US presidential elections, na magaganap sa ika-8 ng November 2016, ay maaaring mag-resulta sa matinding market volatility, mababang market liquidity, hindi normal na spreads at mga price gap sa maraming currency, commodity at stock markets sa buong mundo.

Dahil sa eleksyon, at para protektahan ang aming mga kliyente at ang aming Kumpanya mula sa inaasang pagkakagulo ng market sa eleksyon, ipapatupad ng XM ang mga sumusunod na pansamantalang patakaran:

Mula 8:00 a.m. server time (GMT+2) sa Tuesday, ika-8 ng November 2016, ang kinakailangang margin para sa lahat ng positions (sa pag-open ng bagong position at para pagpapanatili ng kasalukuyang mga position) ay pansamantalang itataas para sa lahat ng instrument papuntang:

  • 1% (100:1 leverage) para sa lahat ng currency pairs, gold at silver at
  • 4% (25:1 leverage) para sa lahat ng CFDs sa equity indeks at commodities.

Ang pansamantalang patakaran na ito ay permanenteng ititigil para sa lahat ng position at lahat ng margin requirement ay ibabalik sa normal (ayon sa normal na client account leverage settings) sa Wednesday ika-9 ng November 2016, ilang sandali matapos ang pagpapahayag ng resulta ng US presidential elections.

Ang mga kliyente na nais magpanatili ng open position sa nalalapit na US presidential elections ay dapat siguruhin na ang kanilang mga account ay sapat na napondohan para maiwasan ang anumang posibleng margin calls at/o stop-outs sa kanilang pag-trade.