Malapit Na: Mga Seminar sa Italy tungkol sa Intraday Trading

Ipinaskil Agosto 26, 2016 ng 8:12 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Matapos ang mga nakumpletong seminar sa Italy, ang XM team ay babalik sa Bologna at Rome para imbitahan ang mga kliyente sa dalawang bagong workshops na ipe-presenta ni Lorenzo Sentino.

Ang unang lokasyon ay sa Bologna sa ika-29 ng October, at ang seminar ay isasagawa sa Unaway Hotel Bologna San Lazzaro, habang ang ikalawang event ay isasagawa sa Novotel Roma La Rustica, sa Rome, sa ika-3 ng December ngayong taon.

Ang pangunahing paksa ng bawat seminar ay ang Mga Istratehiya at Teknik sa Intraday Trading, at magbibigay ito ng libreng rehistrasyon sa mga kliyente ng XM at ng oportunidad para pumili kung alin sa dalawang event ang may madaling puntahan.

Ang instruktor na si Lorenzo Sentino, na tanyag sa pagkakaroon ng praktikal na pagsasagawa sa mga paksang tatalakayin, ay tuturuan ang mga dadalo tungkol sa paggamit ng iba’t-ibang istratehiya sa day trading at ipapaliwanag din niya gamit ang mga halimbawang madaling maintindihan kung paano magagamit ang bawat istratehiya para mas mapabuti ang pag-trade ayon sa layunin ng bawat investor. Mula sa mga pinaka-simpleng aspeto ng intraday trading hanggang sa mas kumplikadong detalye ng risk management at trading psychology, ang mga dadalo ay matutulungang intindihin ang ugnayan sa pagitan ng market trending at price fluctuation, at malaman kung paano makikita ang mga factors na makakaapekto sa mga markets. Lahat ng mga istratehiya sa day trading na ipapakita sa seminar ay magkakaroon lamang ng isang pakay: para magamit ang mga trading tools na ito nang madalian sa dynamic spread trading kapag nagi-invest sa forex at mga indeks.

Inaasahan naming makilala ang aming mga kliyente sa Bologna at Rome. Para sa karagdagang detalye tungkol sa nalalapit na seminar at para sa maagang rehistrasyon mag-click dito.