Libreng XM Seminars Isasagawa sa China

Ipinaskil Hunyo 30, 2016 ng 9:08 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Mula August ngayong taon, magho-host ang XM ng mga forex seminar na may libreng rehistrasyon sa tatlong magkakaibang lokasyon sa China: Dalian, Qingdao at Beijing.

Ang una sa serye ng mga seminar ay isasagawa sa Dalian, Hilagang-silangang China, sa ika-27 ng August, sa Kempinski Hotel Dalian, at iniimbitahan ang mga kliyente ng XM sa isang ekspertong presentasyon tungkol sa mga swing trading techniques.

Matapos ang pagtalakay sa pangkalahatang forex market, bibigyan ng instruktor na si Marios Pashardes ang mga dadalo ng mas malalim na pagkakaintindi sa iba’t-ibang mga aspeto na aapekto sa mga market trends at price action, tatalakayin sa kanila ang mga pangunahing konsepto ng swing trading, kabilang na ang mga trading tool na maaari nilang magamit sa kanilang pag-trade.

Magkakaroon ng pang-umaga at panghapong sesyon, nais turuan ng seminar ang mga dadalo sa tamang paggamit ng technical analysis, kabilang na ang mga time frames, ang paggamit ng multi-day chart patterns, support-resistance levels, at ang paggamit ng Fibonacci tools. Higit pa, lahat ng mga dadalo sa seminar ay magkakaroon ng pagkakataong magkaroon ng kaalaman sa dalawang espesyal na trading tools, na nagngangalang Avramis Swing Indicator at Avramis Trend Reversal.

Ang mga kliyente ng XM na dadalo ay magkakaroon din ng pagkakataong makasali sa Lucky Draw raffle, na magbibigay ng mga premyong nagkakahalaga ng pangkabuuang 1,500 USD sa mga maswerteng mananalo.

Para mag-rehistro na sa Dalian seminar sa ika-27 ng August, at para makita kung kailan bubuksan ang rehistrasyon para sa mga seminar sa Qingdao at CBeijing, mangyaring mag-click dito.