Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Sumunod ang napakaraming matagumpay na forex seminar na ini-host ng XM sa Italy nitong mga nakaraang taon, noong ika-2 ng April 2016 bumalik ang XM sa Bari, Italy, para isagawa ang pinakabago nitong seminar tungkol sa basic ng online trading.
Ang presentasyon ng propesyonal na forex instruktor na si Lorenzo Sentino ay nag-focus sa basics ng forex, kabilang ang pangunahing mga istratehiya ng intraday trading para sa sustainable profitability. Ang mga kliyente ng XM na nasa seminar na isinagawa sa Palace Hotel, Bari, ay hindi lamang nagkaroon ng mas malalim na pagkakaunawa sa mga global markets ngunit natuto din sila ng trending at price fluctuations, kabilang ang pag-analisa ng mga chart, ang mga pamamaraan sa spread trading, ang mga korelasyon sa pagitan ng mga support-resistance levels, na lahat ay mag-aambag sa mas magandang resulta.
Dahil mahalaga ang risk management sa pagde-desisyon ng bawat investor, ipinakita ni Lorenzo Sentino ang mga tunay na halimbawa kung paano magagamit ang mga pamamarang ito para masiguro ang tamang fund at risk management. Ang interaktibong seminar ay nagbukas din para sa mga katanungan, na siyang importante para sa mga nais magkaroon pa ng impormasyon sa mga karagdagang detalye.
Maliban sa paksa na mga ipinresenta ni Lorenzo Sentino, ang oportunidad na makilala ang mga miyembro ng XM ay sinalubong ng mga kliyente ng XM na nag-rehistro para sa event. Ikinatutuwa namin na makilala ang marami sa aming mga kliyente at nais naming magbalik sa Italy sa susunod. Sa ibaba makikita ang ilan sa mga litratong kinuha sa seminar.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.