Libreng XM Seminar Magaganap sa Shenzhen, China

Ipinaskil Marso 23, 2016 ng 10:03 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ngyong May babalik ang XM sa China para sa isa na namang libreng forex seminar na makakapagbigay alam sa mga nais matuto mula sa sertipikadong Tradepedia instruktor na si Marios Pashardes.

Ang seminar, na magbibigay ng libreng rehistrasyon para sa lahat ng mga kliyente ng XM at nagngangalang Introduksyon sa Avramis Swing Trading, ay gaganapin sa The Westin Shenzhen Nanshan Hotel, sa Shenzhen, China, sa 7 May 2016. Ang presentasyon ay magkakaroon ng pang-umaga at panghapong sesyon, kung saan tatalakahin ni Marios Pashardes ang mga paksa sa swing trading, ang tamang paggamit ng mga chart, at ang pinakamagagamit na tools para matulungan ang mga trader na tukuyin ang mga trend at makita ang korelasyon ng iba’t-ibang mga time frame.

Ang kahalagahan ng technical analysis ay isang mahalagang paksa sa seminar, kabilang ang isa sa pinakamahusay na trading tool para sa mga online investor ngayon: ang Avramis Swing Indicator. Para sa parehong baguhan at ekspertong mga trader ang libreng forex seminar at workshop ay makakapagbigay ng mga trading tool at istratehiya na madaling magagamit sa indibidwal na kasanayan sa pag-trade para makakuha ng mas magandang resulta na pangmatagalan.

Bukod pa sa pagkakaroon ng mahalagang kaalaman mula kay Marios Pashardes, ang mga dadalo ay magkakaroon ng oportunidad na sumali sa Lucky Draw raffle na may premyong cash na aabot sa 3,000 USD. Ang raffle ay magaganap sa seminar at ang mga mananalo sa Lucky Draw ay magkakaroon ng pagkakataon na i-withdraw ang napanalunan sa cash o gamitin ito sa pag-trade.

Sa kabila ng XM nais naming makilala ang mga dadalo nang personal sa Shenzhen sa 7 May. Para magbasa pa ng detalye tungkol sa seminar at para makapag-rehistro na, mangyaring mag-click dito.