Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Ngayong March nagbalik na naman ang XM sa Thailand para mag-host ng mga libreng forex seminar sa dalawang magkaibang lokasyon: Bangkok at Chiang Mai.
Ang mga dumalo sa seminar noong ika-6 ng March ay inanyayahan ng XM sa Renaissance Bangkok Ratchaprasong Hotel sa Bangkok, habang ang lokasyon ng ikalawang seminar noong ika-12 ng March ay isinagawa sa Holiday Inn sa Chiang Mai.
Ang parehong seminar ay isinagawa ng sertipikadong Tradepedia instruktor na si Marios Pashardes, na kilala para sa kanyang napakagaling na istilo sa pag-presenta at pamamaraan ng pagtuturo na base sa praktikal na aspeto ng online trading. Ang pakay ng mga seminar ay para makapagbigay ng oportunidad sa mga baguhang trader na matuto ng mga pinakasimple ngunit pinaka-makapangyarihang mga pamamaraan sa pag-analisa ng galaw ng market at maintindihang mabuti ang mga metolohiya sa technical analysis na siyang makakatulong para makapagsagawa ng mga trade na may pinakamahuhusay na resulta.
Ang pangunahing paksa ng mga seminar, kabilang ang mga basics ng forex market, paraan kung paano magsagawa ng mga teknik sa pag-trade at kung paano palawakin ang indibidwal na pamamaraan sa pag-trade, ay tinalakay nang mabuti ni Marios Pashardes sa napakaraming kalahok sa bawat lokasyon. Ang mga dumalo ay nagkaroon din ng pagkakataong sumali sa mga diskusyon kasama ni Marios Pashardes, at mga XM staff members na nandoon.
Sa ngalan ng XM, nais naming pasalamatan lahat ng dumalo sa Bangkok at Chiang Mai, at ikinatutuwa naming makabalik ulit sa Thailand sa hinaharap.
Sa ibaba makikita mo ang mga larawang kinuha sa dalawang event.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.